UHC Law
Health Regional

Agusan del Sur bilang isa sa model provinces ng UHC Law, welcome development –Rep. Bascug

WELCOME development para kay Agusan del Sur 1st District Rep. Alfel Bascug na mapabilang ang kaniyang distrito sa mga model provinces na kasama sa makikinabang sa unang taon ng implementasyon ng Universal Health Care o UHC Law sa 2020.

Ayon kay Bascug, malaking tulong para sa kaniyang mga constituents ang UHC Law dahil mabibigyan nito nararapat na serbisyong pangkalusugan ang mga Agusanon.

Kinilala naman ng kongresista ang pagpupunyaging ginawa ni former Governor at ngayoy Agusan del Sur 2nd District Rep. Eddiebong Plaza na siyang nanguna at nakipag-ugnayan sa mga international agencies, private institutions at sa Department of Health (DOH) upang mailatag ang mga hakbang sa ground para sa health care programs ng buong probinsya.

Ani Bascug, asahan na aniya na mas marami pang mga programa ang maibibigay sa mga Agusanon ngayong dalawa na sila ni Congressman Plaza sa mababang kapulungan.

Samantala, bukod sa Agusan del Sur, nasa 33 iba pang model provinces ang makikinabang sa unang taon ng pagpapatupad ng UHC Law na pangunahing ipatutupad ng DOH bilang lead agency.

MJ MONDEJAR

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *