trade mission
National

Agriculture Sec. Piñol, itinalaga bilang NFA council chairman

ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si Agriculture Secretary Manny Piñol bilang bagong National Food Authority council chairman.

Kapalit ni Secretary to the Cabinet Jun Evasco.

Kasabay nito, pinirmahan ni Pangulong Duterte ang Executive Order (EO) 62.

Para ibalik sa pangangasiwa ng DA ang NFA, Philippine Coconut Authority (PCA) at Fertilizer and Pesticide Authority (FPA).

Magsisilbi naman vice chairman ng NFA council ang administrator ng NFA.

Kabilang sa mga miyembro ng NFA council ang mga kalihim ng Department of Finance, DTI, DSWD, director general ng NEDA.

Kabilang din ang governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), Presidente ng Land Bank of the Philippines.

At maging ang farmers’ sector representative na ina-appoint ng pangulo.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *