teritoryo sa WPS
National

Agawan ng teritoryo sa WPS, minana lang ng Duterte Administration

NILINAW ni Pangulong Rodrigo Duterte na minana lamang ng kanyang administrasyon ang problemang agawan ng teritoryo sa WPS  o West Philippine Sea.

Sa programang Give Us This Day ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa SMNI ay sinabi ng pangulo na nag-umpisa na ang agawan sa teritoryo bago pa man ang kanyang termino noong 2016, kung saan ang kanyang inabutan ay ang disisyon na ng arbitral tribunal na pumapabor sa Pilipinas.

Ipinunto ng pangulo na ang problema sa agawan ay nasa China kung saan patuloy pa rin nilang inaangkin ang teritoryo sa West Philippine Sea sa kabila ng inilabas na disisyon ng arbitral court sa panahon ng pamumuno ng dating pangulo na si Benigno Noynoy Aquino III.

Pero sa kabila nito ay inilahad din ni Duterte ang aniya’s pagkakamali ng dating Administrasyong Aquino noong 2012.

Ayon sa pangulo una nang natalo ang Pilipinas sa agawan ng teritoryo matapos ipinag-utos ni dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario ang pag atras ng Philippine navy sa isang standoff sa Scarborough Shoal laban sa mga Chinese fishing vessels nang nasabing taon.

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *