African Swine Fever
Health National

African Swine Fever, hindi panganib sa kalusugan ng tao –DOH

NILINAW ng Department of Health (DOH) na walang panganib sa kalusugan ng tao ang African Swine Fever (ASF).

Ipinaliwanag ni Assistant Secretary Eric Tayag na hindi apektado ng swine flu virus ang mga mamamayan dahil mapanganib lamang ito sa mga baboy.

Sinabi ni Tayag na suportado ng ahensya ang mga hakbang ng  Department of Agriculture (DA) dahil maraming pamilya ang kumakain ng baboy at maaapektuhan din ang industriya ng bansa.

Kabilang sa kanilang sinusuportahan ang kautusan ng Agriculture Department sa Food and Drug Administration (FDA) na itigil ang pag-iisyu ng import clearances at agad na i-alis sa mga pamilihan ang mga processed pork product mula sa mga bansa na may mga naitalang kaso ng swine fever.

Batay naman sa pinakahuling advisory ng FDA, pansamantala na ring ipinagbabawal ang pag-aangkat ng pork products mula sa Vietnam, Zambia, South Africa, Czech Republic, Bulgaria, Cambodia, Mongolia, Moldova at Belgium.

Ipinatutupad din ang importation ban sa mga apektadong bansa ng swine fever na kinabibilangan ng China, Hungary, Latvia, Poland, Romania, Russia at Ukraine, base sa Memorandum Order ng DA noong Setyembre 2018.

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *