Modernization Program
National

AFP Modernization Program, tutukan sa huling taon ng Duterte Administration

ISUSULONG ni Pangulong Rodrigo Duterte ang modernization program at capacity building initiatives sa Armed Forces of the Philippines sa nalalabing panahon ng kaniyang panunungkulan.

Ito ang binigyang diin ni Pangulong Duterte sa kaniyang talumpati para sa 72nd Anniversary ng Philippine Air Force na ginanap sa Villamor Air Base nitong Martes.

Ayon kay Pangulong Duterte, napalakas na ng Philippine Air Force ang air assets nito sa ilalim ng AFP Modernization Program sa pamamagitan ng nakuha nitong Air Defense Radar System at FA-50PH flight simulator.

Inaasahan naman na mapapalakas pa ito sa taong ito sa pamamagitan ng nabiling anim na A-29B Super Tucano aircraft at isa pang Air Defense Surveillance Radar System.

Sinabi din ng Pangulong Duterte na marami pang aasahan na assets ng Philippine Air Force sa pamamagitan ng 16 na proyekto nito na nagkakahalaga ng mahigit P139 billion sa ilalim ng Second Horizon of the Revised AFP Modernization Program kung saan ay inaasahang kukuha ito ng utility vehicles, drones at iba pang command & control fixed-wing aircraft.

“I am hoping and praying that before my remaining three years will expire, that all of these things especially the labelled “horizon projects” of yours will be completed during my term,” pahayag ng pangulo.

Samantala, pinasalamatan din ng chief executive ang pagbibigay ng suporta ng Air Force para sa ground troops as kalagitnaan mga engkwentro laban sa teroristang Abu Sayyaf at iba pang local terrorist groups.

HANNAH JANE SANCHO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *