AFP at Facebook Philippines, sanib-puwersa laban sa terorismo

AFP at Facebook Philippines, sanib-puwersa laban sa terorismo

NAKIPAGSANIB-pwersa na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa social media giant na Facebook upang matuldukan ang terorismo, online.

Sa isinagawang Global Internet Forum to Counter Terrorism, tiniyak ng Facebook Philippines ang pakikiisa nito sa gobyerno upang pigilan na ang pang-aabuso ng mga terorista gamit ang digital platforms.

Labis naman na ikinatuwa ng AFP ang hakbang na ito ng Facebook at pinasalamatan ang kumpanya sa pakikipagtulungan sa pamahalaan para sa kapakanan ng sambayanan.

Pinuri din nito ang ginagawang self-regulation platform para mapigilan ang pagkalat ng terrorist propaganda kabilang na ang pag-censor ng mga larawan at video ng karahasan.

Umaasa naman ang AFP na magtutuloy-tuloy ang pagkakaroon nito ng aktibong partnership sa mga social media sites upang matuldukan na ang paglaganap ng violent extremism nang hindi na sasang-alang-alang ang kalayaan at karapatan ng social media users.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *