Administrasyong Duterte, susuporta sa kung sino ang maihalal na bagong Pangulo sa 2022

Administrasyong Duterte, susuporta sa kung sino ang maihalal na bagong Pangulo sa 2022

SUPORTADO ng administrayong Pangulong Rodrigo Duterte ang kahit sino ang mahalal na bagong Pangulo ng bansa sa 2022.

Ito ang pagtitiyak ni Finance Secretary Carlos Dominguez III.

Ani Dominguez, ito’y para matugunan at maitaguyod ang muling pagpapalago ng ekonomiya ng bansa, pagresolba ng inflation at hindi pagkakapantay-pantay bunsod ng pananalasa ng pandemya.

Kabilang na rin dito ang pagbabago ng klima na makakaapekto sa economic stability.

Ibinahagi rin ni Dominguez na bahagi sa magiging suporta nito ang pagtataguyod sa pagbabawas ng red-tape; Digital transformation ng public agencies at implementasyon ng National ID system.

Maging ang Infrastructure Modernization at Rationalized Corporate Income Tax at Fiscal incentives policy ay kasama rin umano na pagtuonan ng bagong Pangulo ng bansa ayon kay Dominguez.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *