WellMed Dialysis Center
Health National

Accreditation ng WellMed Dialysis Center, binawi na ng PhilHealth

BINAWI na ng PhilHealth ang accreditation ng WellMed Dialysis Center dahil sa isyu ng “ghost dialysis.”

Ayon kay PhilHealth spokesperson Rey Balena, tuluyan nang inalis ang WellMed sa mga klinika at medical institution na binigyan ng akreditasyon ng PhilHealth.

Ibig sabihin, hindi na makakakuha ang mga pasyenteng magtutungo sa dialysis center ng PhilHealth benefits.

Kaya payo ng kagawaran sa mga pasyente nito, lumipat na sa mga accredited dialysis center.

Matatandaang ibinunyag ng dalawang empleyado ng WellMed na pinipeke ng diaylsis center ang mga pirma para maghain ng claims para sa mga pasyenteng namatay na.

Matatandaang inaresto ang isa sa mga may-ari ng clinic na si Bryan Sy dahil sa pagkakasangkot sa fraudulent scheme pero nakalaya matapos makapagpiyansa.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *