Accommodation establishments, binalaan na sundin ang iginawad na permit sa kanila

Accommodation establishments, binalaan na sundin ang iginawad na permit sa kanila

MULING  binalaan ngayon ng Department of Tourism (DOT) ang iba pang Accommodation establishments na sundin ang mga permit na iginawad sa kanila.

Ibig sabihin mahigpit na binibigyan ng babala ang alinmang hotel na ginagamit bilang isolation o quarantine facility na huwag tumanggap ng guest bilang pag-iingat na posibleng hawaan ng COVID -19.

Ang babala ay kasunod ng tuluyan na ngang pinatawan ng DOT ng anim na buwang suspension ang City Garden Grand Hotel  sa Makati City.

Ayon sa DOT binawi ang permit to operate ng nasabing hotel  at pinagmulta ng P10,000.

Matatandaan sa naturang hotel idinaos ang New Year’s party kung saan natagpuang patay ang flight attendant na si Christine Dacera.

Dahil dito nakitaan ng kagawaran ng paglabag ang hotel dahil tumatanggap pa rin pala ito ng staycation guest kahit isolation o quarantine hotel ang accreditation ng City Garden Grand Hotel ngayong may COVID-19 pandemic.

Lumabas din sa imbestigasyon na hindi lang pala nitong December 31, 2020 tumatanggap ng guest ang hotel kahit inilagay muna ito bilang quarantine facility ng pamahalaan.

Una na ring sinabi ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).

Kung hindi pa nabatid ng publiko na si Christine Dacera  matapos itong nakitang namatay sa City Garden Hotel sa Kalayaan Ave., sa Makati City, hindi malalantad sa publiko na pumapayag ang nasabing hotel na magsama-sama ang maraming tao sa iisang kuwarto sa panahon na mahigpit na nagpapatupad ng health protocol.

Binalaan din ng ahensiya ang iba pang establisimyento na sundin ang mga permit na iginawad sa kanilang mga kompanya.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *