Absentee voting
National

Absentee voting ng mga pulis sa MM, nagsimula na

MAGSISIMULA na ngayong Lunes ang tatlong araw na absentee voting para sa mga pulis sa Metro Manila.

Hinikayat ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Guillermo Eleazar ang lahat ng mga pulis sa Metro Manila.

Aniya na makilahok ang mga ito sa absentee voting para sa May 13 elections.

Itinakda ngayong araw, Abril 29 ang absentee voting sa mga pulis sa NCR na tatagal hanggang Mayo 1.

Umapela rin si Eleazar sa mga pulis na bumoto at isapuso ang mga iboboto na magiging ehemplo ng mabuting mga lider.

Bahagi na rin ito ng karapatan na makilahok sa halalan.

Ayon kay Eleazar, dapat samantalahin ng mga pulis ang 3 araw na absentee voting bago ang deployment nila para sa seguridad ng halalan.

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *