BusinessNational

ABS-CBN, pinagmumulta ng mambabatas ng P1.9-T dahil sa iligal na pagbebenta ng TV Plus

BONUS OFFER

PINAGBABAYAD ni Deputy House Speaker Rodante Marcoleta ng mahigit sa 1 trilyong pisong multa ang ABS-CBN matapos matuklasan na iligal pala ang pagbebenta nito sa kanilang TV Plus.

 

Sa panayam sa Usaping Bayan, iginiit ni Marcoleta na walang pahintulot sa National Telecommunications Commission o NTC ang pagbebenta ng TV Plus ng ABS-CBN.

 

“Mula sa June 30, 2015, pinagpatuloy nila ‘yun hanggang mag-expire ang kanilang prangkisa noong May 4, 2020. Kaya kapag kinuwenta mo, ‘yung kanilang paglabag na ‘yon, ay umabot ng limang taon at apat na buwan. Ngayon dahil ‘yung kanilang ibinentang digital receivers, ito ‘yung mga black boxes na kung tawagin, Mahiwagang Black Box, ay umabot ng 9 milyon units. Ginawa ko nalang 5 milyon kasi ang estimate ko doon sa first year na operation nila, naibenta nila 1 milyon. Pagkatapos umabot ng 9 milyon pinagsama ko ‘yun so 10 milyon divided by 2, kinuha ko nalang ‘yung parang median. So, five million times P200 times 365 times 5.3. Kasi ung 5.3 ito ung kinakatawan sa limang taon at apat na buwan. Ang lalabas diyan ay P1.97-T,” ang pahayag ni Marcoleta.

 

Ayon kay Marcoleta, walang karapatan na maningil ng bayad ang ABS-CBN dahil free- to- air channel ang gamit nilang prangkisa.

 

“Kasi inamin naman ng NTC na wala silang approval sa pagbebenta ng mga blackboxes na ‘yan. ‘Yan ay recorded mismong ang commissioner ng NTC, Commissioner Gamaliel Cordova ang nagsabi na ‘wala po kaming binibigay na permiso o approval sa kanila na magbenta sila ng black boxes. Mali talaga, hindi mo dapat singilin ang taong bayan dahil ang ginamit mong prangkisa ay free to air. Dapat libre mong ibibigay ang serbisyo na ‘yan sa pagpapasaya sa mga tao,”  ayon kay Marcoleta.

 

Dagdag pa ni Marcoleta na iligal din ang pagbabayad ng ABS-CBN sa airing ng May 3, 2015 mega fight noon nina fighting Senator Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr.

 

Samantala, naniniwala naman si Marcoleta na kayang bayaran ng ABS-CBN ang penalty na maaaring ipataw ng NTC.

 

Nanawagan naman si Marcoleta sa NTC na aksyunan ang mga paglabag na ginawa ng ABS-CBN.

 

SMNI NEWS

Tags

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button
Close