ABS-CBN Corporation
National

ABS-CBN Corporation, natanggap na ang kopya ng quo warranto petition

NATANGGAP na ng ABS-CBN Corporation ang kopya ng quo warranto petition na inihain ni Solicitor General Jose Calida laban sa kanila.

Nakuha na rin ng TV network ang utos ng Korte Suprema na magkomento sa petisyon sa loob ng sampung araw.

Tiniyak ng ABS-CBN Corporation na tatalima ito sa kautusan ng Supreme Court.

Dahil linggo papatak ang ika-10 araw ng palugit, may hanggang Lunes, Pebrero 24 ang TV giant para magkomento.

Pebrero 10 nang hilingin ni Calida sa Korte Suprema na ipawalang-bisa ang prangkisa ng TV network dahil sa umano’y “abusive practices” at paglabag nito sa patakaran sa kanilang prangkisa.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *