quo warranto petition
Business

ABS-CBN, binigyan ng 10 araw para magkomento sa quo warranto petition

BINIGYAN ng Korte Suprema ng 10 araw ang ABS-CBN para magkomento sa quo warranto petition na inihain ni Solicitor General Jose Calida noong Lunes.

Sinabi ni Supreme Court Spokesman Atty. Brian Hosaka na nagdesisyon ang mga mahistrado na bigyan ng pagkakataon ang ABS-CBN na maghain ng komento sa loob ng sampung araw.

Kasama sa pinagko­komento ng SC ang subsidiary ng kapamilya network na ABS-CBN Convergence Inc.

Nakasaad sa petisyon ni Calida na inabuso umano ng ABS-CBN ang pribilehiyo na ipinagkaloob ng estado nang maglunsad ito ng pay-per-view channel sa ABS-CBN TV Plus at KBO Channel nang walang pahintulot o permiso mula sa NTC.

Pero ayon sa ABS-CBN, binigyan sila ng otorisasyon ng NTC sa paggamit nila ng conditional access system software para sa pay-per-view alinsunod na rin sa sinasabi sa kanilang prangkisa.

Bukod dito, mayroon ding certificate of good standing ang ABS-CBN TV Plus sa NTC noong 2019.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *