sa isang concert
Showbiz

90’s boyband na A1 at O-Town, masasanib-puwersa sa isang concert sa Pilipinas

MAGSASANIB pwersa sa isang concert ang dalawa sa pinaka-kinakikiligan na boybands noong dekada nobenta.

Back-to-back performance ang handog ng 90s boybands na A1 at O-Town sa inaabangang playback music festival.

Gaganapin ang naturang concert festival sa Mall of Asia Arena sa Nobyembre 9 habang maaari namang makakuha ng tickets ang mga 90s babies simula sa Setyembre 8.

Ang bandang O-Town ang nasa likod ng hits na “All for Nothing”, “Liquid Dreams” at “We Fit Together” habang pinasikat naman ng A1 ang mga awiting “Everytime”, “Like a Rose” at Walking in the Rain.”

Ito ang unang beses na magsasama sa iisang stage sa Pilipinas ang dalawang kilalang boybands.

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *