90% tax discount, hiling ng mga negosyante sa gobyerno

90% tax discount, hiling ng mga negosyante sa gobyerno

HUMIHINGI ng malaking tax discount ang mga negosyante sa nasyonal na pamahalaan dahil sa nararanasang hirap dulot ng pandemya.

Matapos ang paglaganap ng coronavirus sa bansa, hindi mapagkakaila na isa ang  business industry sa lubhang  naapektuhan dahil na rin sa iba’t ibang quarantine restriction na ikinakasa ng pamahalaang nasyonal.

Sa pangatlong pagkakataon noong Agosto 6 hannggang 20 ay muling napasailalim sa pinakapahigpit na lockdown o Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Metro Manila kung saan kabilang rin sa istriktong ipinapatupad ang no dine-in policy.

Kamakailan, inanunsyo national government noong Setyembre 8 na muling babalik sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang National Capital Region (NCR).

Dahil ito sa patuloy na paglobo ng virus dulot ng iba’t ibang variants ay ilan na sa mga negosyo ang nawala.

Kasabay nito, humiling ang Resto PH sa gobyerno na bigyan sila ng 90 percent discount sa pagbabayad ng buwis dahil sa kawalan ng kita sa pang-araw-araw.

Ibinahagi ng Resto Ph President Eric Teng kung gaano kalubhang naapektuhan ang business industry kayat nanawagan ito ng diskwento sa buwis.

“Kasi depende po kasi sa, I consider industry as firstly disabled by the COVID situation and hundreds of business you  allowed to open specifically kapag may programa to order to lockdown, matagal na po kaming nag-uusap then ang allowed lang sa amin is 10 percent dining so which is not appreciated and we understand naman the reasons why, pero kung 10 percent lang ang capacity and while we are still paying full taxes, so kung 10 percent capacity namin sana 10 percent lang ang taxes namin at 90 percent of discounts, at kung 15 percent capacity, then 15 percent of taxes,” pahayag ni Teng.

Isa lamang ito sa kanilang hiniling sa pamahalaan bawasan ang tax sa mga business owners, dagdag nito na kabilang sa tinatawag na essential business ang mga restaurant kung kayat dapat aniya silang pagbigyan.

Binigyang diin pa nito na marami nang  negosyo ang nagsara dahil sa pagkalugi at dahil sa nagpapatuloy na lockdown kaya  marami na ring empleyado ang natanggal sa mga trabaho o kusang umalis.

“So, wala pong choice ang mga restaurant  operator, wala pong trabaho yung mga chefs, walang trabaho yung mga waiters yung mga restaurant po nagsasara, I think kailangan po i-consider talaga ng government na bigyan niyo kami ng financial or mga tax supports,” ayon kay Teng.

Aniya, aabot sa 70 percent ng mga restaurant o branches ang nagsasara, saad nito dati rati aabot sa mga tatlongpung tenants sa bawat mall, ngayon ay nasa anim na lamang.

Kasunod nito, idinetalye naman ng ilang business industry kung gaano kalaking tulong sa kanila kung maipatutupad ang 90 percent tax discounts.

Anila, malaking tulong rin ang  pagkakaroon ng online business kung saan doon nila naiindorso ang kanilang mga produkto.

Isa rin sa naging katuwang ng mga business operators ang mga delivery rider kung saan nagiging magaan ang kanilamg trabaho bagama’t may pandemya.

Anila, iba’t ibang paraan na o solusyon ang kanilang ginagawa upang kahit mapa-online o delivery man ay tangkilikin pa rin ang kanilang mga produkto.

Isa sa kanilang nakikitang pamamaraan ay ang paglunsad ng iba’t ibang promo, discounts at iba pang makakapagbigay engganyo sa mga kustomer para umorder  kahit kakaunti lamang.

Simula bukas Setyembre 16 ay pinapayagan na ang 10 percent sitting capacity para sa dine-in at 30 percent sitting capacity para sa mga alfresco dine-in.

Bagama’t hindi ganon kalaki ang ibinigay na kapasidad ng pamahalaan para sa mga dine-in customers ay malaki naman anila ang pasasalamat sa pamahalaan upang kahit papaano ay magkakaroon ng mapagkikitaan.

Tiniyak naman ng bawat business operators na nasusunod pa rin ang ipinatutupad na minimum health protocols katulad ng tamang pagsusuot ng facemask at face shield, pagsunod sa physical distancing.

Inaasahan naman anila na bibigyan sila ng pagkakataon ng national government na kahit mahirap at hindi madali ang kanilang hinihiling na tax discounts lalo na ngayon na hirap ang bansa dahil sa pandemya.

BASAHIN: Restaurant owners sa NCR, umaaray pa rin sa epekto ng pandemya

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *