90-M Pilipino, target mabakunahan vs COVID-19 pagdating ng Hunyo 2022

90-M Pilipino, target mabakunahan vs COVID-19 pagdating ng Hunyo 2022

TARGET ng administrasyon na mabakunahan ang 90-M Pilipino bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte (PRRD) sa Hunyo 2022.

Sa bilang na ito, nasa 28 million to 30 million ang kailangang mabakunahan na hindi pa bakunado, kasama na rito ang tatlong milyong unvaccinated seniors.

Sa kabilang banda, binigyan-diin ni Pangulong Duterte na patuloy ang kaniyang pakikipagpulong sa mga opisyal at pakikipag-usap sa publiko sa gitna ng tumataas na kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sabay tiniyak na patuloy na ginagawa ng gobyerno ang trabaho nito para bigyang tugon ang pangangailangan ng mga Pilipino, kahit pa malaking banta sa kalusugan ng mga ito ang COVID-19.

“Yung ginagawa namin sa kaya namin, hanggang kaya namin. Humanly possible, we will do it. Iyan ang trabaho namin,” pahayag ni Pangulong Duterte.

Maliban sa Kalakhang Maynila, sumang-ayon din ang ibang rehiyon o probinsya na magpasa ng ordinansa.

 

Follow SMNI NEWS