National

9 pulis na sangkot sa Jolo, Sulu shooting incident, kinasuhan na ng NBI

 

SINAMPAHAN na ng kasong kriminal ng National Bureau of Investigation (NBI) ang siyam na pulis na sangkot sa Jolo, Sulu shooting incident na ikinasawi ng apat na tauhan ng Philippine Army.

Kinilala ang mga sinampahan ng kaso na sina PSMS Abdelzhimar H. Padjiri, Police Master Sergeant Hanie U. Baddiri, P/Staff Sergeant Iskandar I. Susulan, PSSG Ernisar P. Sappal, P/Corporal Sulki M. Andaki, Patrolman Mohammad Nur E. Pasani, PSSG Almudzrin M. Hadjaruddin, Patrolman Alkajal J. Mandangan, at Patrolman Rajiv G. Putalan.

 

Sulu shooting incident

 

Apat na bilang ng kasong murder at planting of evidence ang isinampa ng NBI-Western Mindanao Regional Office na pinamumunuan ni Regional Director Moises Tamayo.

Bukod sa kanila, inirekomenda rin ng NBI ang pagsasampa ng kasong ‘neglect of duty’ laban kina Sulu Provincial Police Chief P/Colonel Michael Bawayan; Jolo Police Chief P/Major Walter Annayo; at Sulu Provincial Drugs Enforcement Unit Chief P/Captain Ariel Corcino.

 

Ito ay makaraang matapos ang NBI sa isinagawa nilang imbestigasyon sa naganap na pamamaril noong Hunyo 29 sa Barangay Walled City sa Jolo.

Ikinonsidera ng NBI ang nakalap na mga ebidensya, resulta ng paraffin at awtopsiya at ang hindi pagsusumite ng sinumpaang-salaysay ng mga pulis sa pagsasampa ng kaso.

PH Army Chief, tiwalang mahahatulan ang mga pulis na sangkot sa Sulu shooting incident

Samantala, tiwala si Philippine Army Chief Lieutenant General Gilbert Gapay na mahahatulan ang mga pulis na sangkot sa pagkakapatay sa apat na sundalo sa Jolo, Sulu noong nakaraang buwan.

Sa isang pahayag, pinuri ni Gapay ang mabilis na aksyon ng National Bureau of Investigation sa paghahain ng kasong murder at planting of evidence laban sa mga pulis.

Ayon kay Gapay, welcome development ito hindi lang sa Philippine army kundi para rin sa mga pamilya ng mga sundalong nasawi sa insidente.

Patunay rin aniya ito na naririnig ang sigaw na hustisya ng bawat pamilya ng mga biktima.

Kahapon nang sampahan ng NBI ng apat na bilang ng kasong murder at planting of evidence ang siyam na pulis.

SMNI NEWS

 

 

Tags

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button
Close