pagbagsak
International

9 patay, 3 sugatan sa pagbagsak ng eroplano sa South Dakota

9 katao ang patay habang 3 ang sugatan sa pagbagsak ng isang eroplano sa South Dakota, USA.

Ayon sa mga otoridad, nakataas ang winter storm warning nang mag-crash ang pilatus pc-12 single-engine turboplane ilang minuto pa lamang matapos mag-take off.

Kabilang sa mga nasawi ang mismong piloto ng eroplano at ang executives ng Health and Wellness Company na Kyani na sina Kirk at Jim Hansen.

Patungo sanang Idaho Fallsw Regional Airport ang naturang eroplano.

Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon ng Federal Aviation Administration (FAA) sa naganap na insidente.

 

SMNI NEWS 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *