9 na tourist sites sa Peru, kabilang sa top 100 sustainable destinations list

9 na tourist sites sa Peru, kabilang sa top 100 sustainable destinations list

KABILANG sa 100 sustainable destination spots sa buong mundo ang 9 na tourist sites sa Peru.

Kinilala ng Green destinations organization ang 9 na destination sites sa Peru bilang ilan sa isandaang sustainable destinations sa buong mundo.

Ang nasabing pagkilala ay iginagawad sa mga destination sites sa iba’t-ibang bansa na iginagalang ang ecosystem at may pinakamaliit na impact sa kapaligiran.

Binigyang pagkilala ang 9 na tourist sites destinations ng Tambopata national reserve; Alto mayo – Tarapoto, Pacaya Samiria national reserve, Gocta – Kuélap, Pomac forest historic sanctuary, Tingo maría national park, Titicaca, Sacred lake of the Incas, sandia, Coffee route , Bahuaja sonene national park, at ang Colca Canyon.

Kabilang naman sa mga binigyang kilala ang ilan sa mga bansa gaya ng Mexico, Chile, Brazil, Japan, na makakasama sa travel website na good travel guide.

Samantala, ayon kay Peruvian minister of Foreign Trade and Tourism, Roberto Sanchez  malaking tulong ito sa pagsulong sa muling pagbubukas ng turismo sa bansa.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *