National

9 na pulis na sangkot sa Jolo incident, nailipat na sa Camp Crame

NAILIPAT na sa Camp Crame ang 9 na pulis na sangkot sa Jolo incident, Sulu na ikinasawi ng 4 na sundalo noong June 29.

 

Ayon kay PNP spokesperson Police Brigadier General Bernard Banac, sakay ng Cebu Pacific nang umalis kahapon sa Cotabato Airport ang 9 na pulis kasama si Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao regional director Police Brigadier General Manuel Abu.

 

Alas-10:15 ng umaga kahapon nang dumating sila sa Maynila at 11:00 ng umaga nang dumating sa Office of the Chief Executive Senior Police Officer at nai-turn-over kay Police Colonel Jerich Royales, Deputy Director for Operations ng Headquarters Support Service.

 

Kinilala ang 9 na pulis na sina Police Staff Master Sergeant Abdelzhimar Padjiri, Police Master Sergeant Hanie Baddiri, Police Staff Sergeant Iskandar  Susulan, Police Staff Sergeant Ernisar Sappal, Police Corporal Sulki  Andaki, at Patrolman Moh. Nur Pasani, miyembro ng Jolo Municipal Police Station Alert Team at Police Staff Sergeant Almudzrin Hadjaruddin, Patrolman Alkajal Mandangan, at Patrolman Rajiv Putalan ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) ng Sulu.

 

Inilipat ang mga ito sa Camp Crame sa utos na rin ni PNP chief Police General Archie Francisco Gamboa para maiwasan ang posibleng karahasan dahil sa insidente.

 

Maliban dito, upang matiyak na haharap din ang mga ito sa imbestigasyon sa National Bureau of Investigation (NBI).

 

SMNI NEWS

Tags

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button
Close