9 na Japanese national na wanted dahil sa Telco fraud, ipinadeport

9 na Japanese national na wanted dahil sa Telco fraud, ipinadeport

IPINADEPORT na ng Bureau of Immigration (BI) ang siyam na Japanese National na wanted sa Tokyo dahil sa telecommunications fraud.

Kinilala ang mga pinadeport na sina Matsuoka Shunjiro, Haga Kenji, Yoshizawa Shinichi, Takeda Tasuya, Araki Toshiya, Ogawa Takuma, Hiramura Takashi, Kiya Yasuke at Ichimura Shuichi.

Ayon sa BI, ang siyam na dayuhan ay parte ng sindikato na sangkot sa telecommunications fraud at extortion na naaresto ng BI operatives sa isang hotel sa Makati City noong Nobyembre 2019.

Inisyal na target sa pag-aresto ay dalawang pugante ngunit nakapag-aresto sa operasyon ng 34 na iba pang suspek.

Sinabi ni Immigration Commissioner Jaime Morente, sangkot ang mga ito sa Voice Phishing at Telephone Fraud Operations na ang target ay mga Hapon.

Una nang pina-deport sa Japan ang sampung miyembro ng sindikato para harapin ang kanilang kaso sa Tokyo.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *