9 na iligal na dayuhan, arestado matapos iligal na pumasok ng Sarawak

9 na iligal na dayuhan, arestado matapos iligal na pumasok ng Sarawak

ARESTADO matapos iligal na pumasok ng Sarawak ang 9 na iligal na dayuhan.

Inatasan na bumalik ang 9 na Indonesian national kabilang ang isang babae mula sa kanilang bansa matapos iligal na pumasok ng Sarawak sa pamamagitan ng iligal na ruta dakong 10:40 ng umaga nitong Martes.

Ayon sa First Infantry Division, ang mga iligal na dayuhan na may edad 22 hanggang 45 taong gulang ay nahuli sa 300 metro mula sa hangganan ng Malaysia-Indonesia sa gitna ng operasyon ng OPS Benteng sa Biawak sa distrito ng Lundu.

Sa isang pahayag, sinabi rin ng First Infantry Division na ang lahat ng mga naaresto ay walang mga hawak na valid documents.

Napag-alaman rin na layunin na makapasok ng Sarawak ang mga naarestong iligal na dayuhan para umano makapagtrabaho sa Malaysia.

Dahil dito, sinabi ng mga awtoridad na inatasan nito ang mga naarestong mga iligal na dayuhan na bumalik sa Indonesia sa lalong madaling panahon.

Matatandaan na mahigpit ngayong binabantayan ang border sa pagitan ng Malaysia at Indonesia dahil narin sa pangamba na mabilis na kumalat sa estado ang mas pinangangambahang Delta variant.

Sa ngayon ay patuloy ang mga isinasagawang operasyon sa ilalim ng OPS benteng para masiguro na walang makakapasok na mga iligal na dayuhan sa bansa at masigurong mapoprotektahan ang mamamayan sa banta ng iba’t ibang variant ng COVID-19.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *