8chan
National

8chan, nakipagtulungan sa imbestigasyon ng anti-cybercrime group

IKINATUWA ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde ang pakikipagtulungan ng creator ng online messaging board na 8chan sa anti-cybercrime group.

Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni Albayalde na mainam ito para matukoy ang layunin ng 8chan.

Una nang sinabi ni Frederick Brenna, creator ng nasabing online messaging at ngayon ay nakatira sa Pilipinas na bukas siyang makipag-usap sa otoridad kaugnay ng nasabing messaging forum.

Matatandaang nag-post ng ilang pahinang manifesto ang itinuturong gunman ng El Paso shooting sa Texas na si Patrick Crusius bago ang pag-atake nito.

Nahaharap rin sa kontrobersya ang nasabing website dahil nagagamit umano ito ng mga extremist sa kanilang aktibidad.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *