National

DOH, hinihikayat ang mga magulang na bumalik ang tiwala sa vaccination program ng pamahalaan

KINUKUMBINSI ngayon ng Department of Health (DOH) ang mga magulang sa buong bansa na bumalik ang tiwala sa vaccination program ng pamahalaan.

Kasunod ito ng ulat na natatakot na ang mga magulang na pabakunahan ng kahit anong gamot ang kanilang mga anak dahil sa kontrobersya sa Dengvaxia.

Sinabi ni DOH Sec. Francisco Duque na maging pampurga sa bata na hindi bakuna ay tinatanggihan ng mga magulang.

Kaugnay nito, inatasan ni Duque ang mga kawani ng ahensya na ipaliwanag sa mga magulang ang ibibigay na bakuna.

Sinisikap ngayon ng DOH na manumbalik ang tiwala ng mga magulang sa pagbabakuna.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *