Metro Rail Transit
Metro

850 pasahero ng Metro Rail Transit -3, pinababa dahil sa door failure

NAKARANAS ng aberya ang operasyon ng Metro Rail Transit o MRT-3 kaninang umaga.

Sa abiso ng pamunuan ng Metro Rail Transit, alas 6:32 ng umaga nang pababain ang nasa 850 pasahero sa Shaw Boulevard Station North Bound dahil sa problema sa pintuan.

Paliwanag ng MRT-3, isa sa mga dahilan ng door failure ay dahil sa pagsandal at pwersahang pagbukas sa pintuan.

Agad naman aniyang pinasakay ang mga apektadong pasahero sa sumunod na tren na dumating makaraan ang dalawang minuto.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *