muli magsasama
Showbiz

80’s Pinoy band na Neocolours, muli magsasama para sa isang concert

MAGSASAMA-SAMANG muli para sa isang concert ang isa sa pinkaminahal na Pinoy bands noong dekada 80 – ang Neocolours.

Makalipas ang ilang taon ay handa na tayong muling haranahin ng iconic band sa kanilang “Tuloy Pa Rin Ang Banda” concert.

Mapapanuod na nating muling tumugtog ng magkasama ang Pinoy musicians na sina Jimmy Antiporda, Ito Rapadas, Marvin Querido, Josel Jimenez, Paku Herrera at Nino Regalado.

Gaganapin ang naturang reunion performance sa Music Museum Sa November 16.

Inaasahang aawitin ng banda ang kanilang classic hits gaya ng “Kasalanan Ko Ba”, “Say You’ll Never Go”, “Tuloy Pa Rin” at “Maybe.”

 

SMNI NEWS 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *