8 sa 10 Pilipino, umaasa na magkakaroon na ng COVID-19 vaccine

8 sa 10 Pilipino, umaasa na magkakaroon na ng COVID-19 vaccine

WALO sa sampung Pilipino ang naniniwalang magkakaroon na ng COVID-19 vaccine sa susunod na taon.

Sa survey ng Social Weather Stations (SWS), nasa 80 percent ng mga Pilipino ang nagsabing umaasa sila na magkakaroon na ng bakuna sa COVID-19 sa susunod na 12 buwan.

Habang nasa 17 percent ang naniniwalang hindi pa ito mangyayari.

Bukod dito, nasa 80 percent din ang positibong magkakaroon na ng gamot para sa covoronavirus sa susunod na taon habang 17 percent ang nagsabing hindi.

Mataas ang naitalang expectations sa Metro Manila na may 82 percent kasunod ang balance Luzon, Visayas at Mindanao na may tig-79 percent.

Isinagawa ang survey mula Setyembre 17 hanggang 20 sa 1,249 adult Filipinos.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *