8 pediatric COVID-19 patients, ginagamot sa Tala Hospital

8 pediatric COVID-19 patients, ginagamot sa Tala Hospital

NASA walong pediatric COVID-19 patients ang ginagamot ngayon sa Tala Hospital (Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium) sa Caloocan City

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Medical Director Dr. Alfonso Famaran na ang mga bata ay nagpapakita ng moderate hanggang severe COVID-19 infection.

“Itong walo, chineck po namin ‘yung mga datos namin, nandito po sila sa moderate to severe cases po,” ayon kay Dr. Famaran.

Ayon din kay Famaran, kabuuang 252 pasyente ang kasalukuyang naka-admit sa Tala hospital na eklusibo para sa COVID-19 cases.

Ang ospital ay may 520 COVID-19 beds.

Sa 252 admitted patients, sinabi ni Famaran na 179 ang hindi pa bakuna kontra COVID-19, 55 ang fully vaccinated at 18 ang nakatanggap na ng unang dose.

Iniulat din ng medical director na 35 personnel sa Tala Hospital ang tinamaan ng COVID-19 pero karamihan sa mga ito ay mula sa finance division o hospital operation support area.

Tala Hospital, naramdaman ang pagtaas ng bilang ng admission ng COVID-19

Samantala, naramdaman ng Tala Hospital ang pagtaas ng bilang ng admission ng COVID-19 patients sa nakalipas na dalawang linggo.

Ani Dr. Pamaran, mas mabilis ngayon ang pagtaas ng bilang ng mga pasyente ng COVID-19.

 “Ngayon po, ang COVID beds namin dito is 520 beds for covid-19 patients both for moderate, severe and critical cases,” pahayag ni Famaran.

Sa kabila nito, tiniyak ni Dr. Famaran na magkakaroon ng sapat na espasyo at higaan para sa mga COVID-19 patients ang Tala hospital dahil ito ay itinalaga ng DOH bilang ospital para sa mga may COVID-19.

BASAHIN: Mga ospital, hinikayat na huwag mag-admit ng asymptomatic at mild COVID-19 cases

SMNI NEWS