8 Filipino scientists, kabilang sa Most Outstanding Researchers sa Asya

8 Filipino scientists, kabilang sa Most Outstanding Researchers sa Asya

KABILANG ang walong Filipino scientists na pinarangalan bilang most outstanding researchers sa Asya.

Ayon sa Singapore-based magazine na Asian Scientist Magazine, ang mga nakasama sa kanilang listahan ay mga honouree na nakatanggap ng national o international prize sa mga nagdaang taon para sa kanilang research.

Kabilang sa mga walong ipinagmamalaking Filipino scientists ay sina Dr. Annabelle V. Briones ng DOST, Dr. Francis Aldrine Uy ng Mapua University, Dr. Desiree M. Hautea ng UP-Los Baños, Dr. Sandra Teresa V. Navarra ng University of Santo Tomas Hospital, Dr. Salvation Gatchalian ng RITM Philippines, Dr. Kathleen B. Aviso ng De La Salle University, Dr. Edgardo G. Vazquez ng Vazbuilt Technology, at Dr. Jonel Saludes ng University of San Agustin.

Sila ang mga siyentipiko na tanyag sa kani-kanilang mga larangan, tulad ng biotechnology, chemical biology, engineering, environment, health, at housing.

Ngunit ang kanilang pinakabagong attribute ay isa sila sa binigyan ng parangal bilang pinakamahusay na siyentipiko at mananaliksik sa edisyon ng 2021 ng Asian Scientist 100 ng Asian Scientist Magazine.

Ang mga kabilang sa listahan ng mga researcher at scientist ay ang Bangladesh, China, Hong Kong SAR, India, Indonesia, Japan, Malaysia, ang Pilipinas, Singapore, South Korea, Sri Lanka, Thailand at Vietnam.

Ipinagdiriwang ng Asian Scientist 100 ngayong taon ang makabuluhang agham na nagaganap sa Asya at para sa mga mananaliksik na patuloy na gumagawa ng mga tagumpay sa gitna ng global pandemic.

Bilang karagdagan sa mga larangan ng physics hanggang sa agrikultura, ang pagbibigay pugay sa anim na scientists na nanguna sa pananaliksik para sa COVID-19.

“It is now clearer than ever that science—and scientists—are what will help us overcome challenges like COVID-19 and longer term issues like climate change,” ayon kay Dr. Rebecca Tan, editor-in-chief ng Asian Scientist Magazine.

“We are committed to shining a spotlight on the scientists who often work behind-the-scenes to bring much needed innovations like new vaccines to the world,” dagdag ni Tan.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *