79 illegal gambling website sa Cambodia, isinara

79 illegal gambling website sa Cambodia, isinara

ISINARA ng Cambodia ang 79 na illegal gambling website sa bansa.

Hinarang ng Telecommunications Regulator ng Cambodia ang 79 na website na nag-ooperate ng illegal online gambling sa bansa.

Ang hakbang na ito ay isinagawa ng telecommunications regulator sa pakikipagtulungan ng national police general commission of the ministry of interior.

Kaugnay nito, patuloy na makikipagtulungan ang telecommunications regulator of Cambodia sa pulisya upang mapasara ang lahat ng websites na nag-ooperate at nag-aalok ng illegal online gambling service sa bansa dahil naaapektuhan nito ang seguridad, public order at social order ng bansa.

Samantala, hinihimok ng telecommunications regulator ang publiko na iulat sa kanila ang anumang uri ng paglabag sa pamamagitan ng pagtawag sa numerong 6789 o sa kanilang facebook page.

SMNI NEWS