illegal drug users
National

73% Pinoy, naniniwalang nabawasan ang illegal drug users sa bansa

NASA 73% ng mga Pilipino ang naniniwala na nabawasan ang bilang ng mga illegal drug users simula ng maupo sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte noong June 30, 2016.

Sa resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey, mula sa nasabing bilang, 28% ang nagsabing bumaba nang malaki ang illegal drug users habang 46% ang nagsabing medyo bumaba.

Habang nasa 14% lang ang nagsabing tumaas ang drug users simula noong 2016 at 12% ang nagsabing hindi nagbago ang bilang.

Sa kaparehong survey, 49% rin ng Pilipino ang sumang-ayon na ang pagsibak kay Vice President Leni Robredo bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) ay pag-amin ng administrasyon na nabibigo ang drug war.

At mula sa nasabing bilang, 18% ang strongly agreed at 31% ang somewhat agreed habang 21% ang hindi sang-ayon at 30% ang undecided sa isyu.

Kaugnay nito, sinabi sa SWS poll na 60% ang sang-ayon na may karapatan si Robredo sa listahan ng high value targets ng government’s drug war noong ICAD co-chair pa ito habang 15% ang hindi sang-ayon dito at 15% ang undecided.

Ang fourth quarter 2019 Social Weather Survey ay isinagawa mula December 13-16, 2019 sa pamamagitan ng face-to-face interview sa 1,200 adults sa buong bansa.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *