72 nagpositibo sa COVID-19 dahil sa wedding reception at inuman sa isang bahay sa QC

72 nagpositibo sa COVID-19 dahil sa wedding reception at inuman sa isang bahay sa QC

NASA 72 ang nagpositibo sa COVID-19 dahil sa pagdalo nila sa wedding reception at inuman na ginawa sa isang bahay sa Old Balara, Quezon City kamakailan.

Base sa report, idinaos sa magkakahiwalay na araw ang public gathering, wedding reception at inuman sa isang bahay sa Area 7. 

255 residenteng dumalo ay sumailalim sa swab test at kinumpirma ng City Health Office na 72 ang nagpositibo sa COVID-19.

Nagsagawa naman ng agarang imbestigasyon ang Quezon City government para kay Matandang Balara Punong Barangay Allan Franza at Homeowners Association President Don Brabante dahil nabigo umano silang pigilan ang nangyaring mga pagdiriwang.

Ito ay sa kabila ng maigting na kampanya ng gobyerno upang pababain ang kaso ng Covid-19 partikular sa NCR Plus.

Nagpadala na rin ng show-cause order ang City Legal Office Attorney Orlando Paolo Casimiro kay Chairman Franza, kung saan siya ay binigyan ng pagkakataong magpaliwanag kung bakit hindi siya dapat maging criminally and administratively liable dahil sa nangyaring mass gatherings.

Samantala, naghain naman ng reklamong violation of health protocols laban kay Brabante matapos umano nyang payagang idaos ang mga pagdiriwang sa isang bahay sa kanyang pinamumunuang komunidad.

“If it will be proven that Mr. Brabante had approved the gathering and the drinking session that followed the wedding, failed to enforce our health and safety protocols, or report the same to the authorities as referenced by one of the index cases, then he may be held criminally liable pursuant to RULE VI, Section 2(h) of the IRR in relation to Section 9(d) of RA 11332 or the Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act. The same is true for Punong Barangay Franza.” ayon kay Atty. Casimiro.

Ang mga pasyente ay kasalukuyang naka admit sa iba’t-ibang Covid-19 facilities, habang ang iba namang may sintomas ay naka isolate sa kanilang mga tahanan.

“Napapansin natin na dumadami ang ganitong klaseng mga insidente. The spread could’ve been prevented but we see that some people, including persons in authority, have started to become lax in the enforcement and practice of minimum health protocols. This should serve as a wake-up call for everyone to remain vigilant and wary of COVID-19. The virus is still very much in our environment and we are counting on everyone’s cooperation.” Pahayag naman ni Quezon City Mayor Joy Belmonte noong Linggo kaugnay ng pangyayari.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *