64th Annual Grammy awards, ipinagpaliban dahil sa Omicron variant

64th Annual Grammy awards, ipinagpaliban dahil sa Omicron variant

IPINAGPALIBAN muna ang 64th Annual Grammy Awards dahil sa patuloy na pagtaas ng covid-19 cases at banta ng Omicron variant.

Dahil sa banta ng Omicron variant apektado ang ilang prestihiyosong international events.

Ayon sa organizers, prayoridad nila ang kalusugan at kaligtasan ng mga dadalo sa nasabing event kung kaya, ipinagpaliban muna ang 64th Annual Grammy Awards kung saan gaganapin sana ang music’s biggest night sa January 31 sa Los Angeles Staples Center sa Amerika.

Sa ngayon, wala pang inilalabas na petsa ang mga organizer para sa Grammy Awards.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *