60K dosis Novavax vaccine, gagamitin para sa vaccination program ng Kamara

60K dosis Novavax vaccine, gagamitin para sa vaccination program ng Kamara

NASA 60,000 dosis ng Novavax vaccine o bakuna ng Serum Institute na gawa ng India ang gagamitin ng Kamara para sa kanilang vaccination drive.

Ayon kay HREP CongVax Head at Bataan Rep. Joet Garcia, darating na sa second quarter ng taon ang nasabing mga bakuna.

(BASAHIN: 30-M dosis ng Novavax vaccine, nabili na ng bansa mula India)

Posible rin aniya na dumating ang nasabing mga bakuna sa Hulyo.

Akma rin ani Garcia ang nasabing timeline dahil hindi pa kasama ngayon sa vaccination program ang ibang mga manggagawa sa gobyerno.

“Mukhang ano naman, mukhang sasakto lang rin pagdating ng second, third quarter na mapapasama yung group for government employees na hindi health frontliner hindi rin senior citizen, wala ring comorbidity,” ang pahayag ng kongresista.

Para sa vaccination, ₱50 million ang budget sa Kamara ngunit maaari pang mabago ang kanilang budgetary requirement para sa bakuna.

“Supposed to be yung order namin good for 60,000 doses hindi ko lang sure hindi ko pa nakita yung final costing kasi mayroong logistics based doon sa term sheet. Hindi ko pa nakita yung final costing kung sasapat yung ₱50-M or may labis pa kami para makapag-order pa ng mas maraming vaccine just incase kinakailangan,” dagdag pa nito.

Samantala, nilinaw din ni Garcia na dadaan pa rin sa tripartite agreement ang pagbili nila ng bakuna.

Mababatid na first choice ng Kamara ang AstraZeneca subalit binawi nila ang unang plano at ipinalit ang Novavax.

Pasok naman sa vaccination program ng Mababang Kapulungan ang mga kawani, permanent man o contractual, congressional staff, mga empleyado ng Commission on Audit, Civil Service Commission, Department of Budget and Management, Presidential Legislative Liaison Office, Landbank of the Philippines, Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, HRep Cooperative, Mutual Aid Association at mga taga media na nakatalaga sa Kamara.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *