6,000 indibidwal sa Masbate City, nakatanggap ng tulong mula kay Pastor Apollo

6,000 indibidwal sa Masbate City, nakatanggap ng tulong mula kay Pastor Apollo

KATUWANG ang SMNI Foundation Inc., nakatanggap ng tulong mula sa butihing Pastor Apollo Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ ang 600 na mga pamilya sa Barangay Asid, sa Masbate City.

Isa lamang ang lugar sa mga barangay sa Masbate na nasa impluwensiya pa rin ng CPP-NPA-NDF sa probinsiya ng Masbate.

Muli na namang pinatunayan ni Pastor Apollo ang kanyang malaking pag-ibig sa mga tao  saan mang panig ng bansa.

Anumang kulay, anumang rasa, anumang relihiyon o paniniwala, walang pinipili si Pastor Apollo sa pagpapaabot ng tulong sa sinumang nangangailangan.

Sa katunayan, hindi lang isa, dalawa kundi halos araw-araw ay inuulan ng mga tulong ang iba’t ibang sulok ng bansa upang ipaabot ang pagmamahal at pagkalinga ni Pastor Apollo, lalo na sa mga pamilya o indibidwal na biktima ng kahirapan at ang kasalukuyang hamon sa bansa, ang insurhensiya.

Pastor Quiboloy nagbigay tulong
Isa sa limang batch ng mga benepisyaryo na tumanggap ng isang timbang food packages at isang galong tubig mula kay Pastor Apollo C. Quiboloy

Katuwang ang SMNI Foundation, Children’s Joy Foundation, Sonshine Philippines Movement at Laban Kasama ang Bayan na programa ng SMNI News, siksik na food packages ang ipinagkaloob ni Pastor Apollo sa mga benepisyaryo.

Walang mapagsidlan ng tuwa at galak ang mga residente mula sa mga natanggap na regalo at tulong para sa kanila

malaki din ang pasasalamat ng mga ito kay pastor apollo dahil nakarating ang kanyang tulong sa kabila ng malayong paglalakbay patungo sa lugar.

Mula sa mga masasarap  na ngiti at pasasalamat, napawi rin naman ang lahat ng sakripisyo at pagod ng mga boluntaryo mula sa mga paghahanda para sa mga benepisyaryo.

Ayon sa militar na malapit sa lugar, isa ang Brgy. Asid ang kasalukuyang binabantayan ng Philippine Army kasama ng iba pang mga kalapit na barangay dahil sa pananatili ng impluwensiya ng CPP-NPA-NDF sa kanilang bayan.

Sa nasabing barangay rin nakatira ang tatlong magkakaanak na nakaranas ng karumal-dumal na kamatayan mula sa kamay ng mga komunistang teroristang grupo na CPP-NPA-NDF.

Kinilala ang mga ito na sina Jose, Joey at Jestoni Lalaguna.

Nauna nang tumanggap ng tulong pinansiyal at food packages ang naiwang pamilya ng mga biktima mula kay Pastor Apollo C. Quiboloy.

Kasabay na rin ng panawagan na makamit ang hustisya mula sa pamahalaan.

Samantala, nagpaabot naman ng pagkilala kay Pastor Apollo ang mismong  kinatawan ng Second Infantry Battalion 2nd Infantry Division sa Masbate dahil sa mga humanitarian programs ni Pastor Apollo na siya namang malaking tulong lalo na sa mga komunidad na matagal nang nabalot ng kahirapan at mabagal na pagbabago sa pamumuhay dahil sa pagpasok  ng insurhensiya sa bansa

Aniya, ang mga katulad ni Pastor Apollo ay isa sa mga halimbawa ng tahimik na laban tungo sa mas maunlad na komunidad at pagpaparating ng mga serbisyo na kailangan ng mamamayan.

BASAHIN: Mga pamilya ng tatlong pinaslang ng NPA sa Masbate, humingi ng hustisya

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *