Kamuning Station
Metro

60 pasahero ng MRT-3, pinababa sa Kamuning Station dahil sa aberya

NAKARANAS ng aberya ang operasyon ng Metro Rail Transit o MRT-3 ngayong umaga sa bandang Kamuning Station.

Sa abiso ng pamunuan ng MRT-3, alas 8:07 ng umaga nang pababain ang nasa 60 pasahero sa Kamuning Station Southbound dahil sa mechanical failure.

Agad naman aniyang pinasakay ang mga apektadong pasahero sa sumunod na tren na dumating makalipas ang apat na minuto.

Humingi naman ng paumanhin ang pamunuan ng train station sa abalang idinulot ng aberya sa kanilang mga pasahero.

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *