Ed Dizon
National

6 na iba pang suspek sa pagpatay sa mamamahayag na si Ed Dizon, tinukoy na

MAY anim pang tinutukoy ang mga otoridad na miyembro ng KAPA Community Ministry International, Inc. na umano’y sangkot sa pagpatay kay Kidapawan City radio broadcaster Eduardo Ed Dizon noong nakaraang buwan.

Sa ekslusibong panayam ng SMNI News at DZAR Sonshine Radio, sinabi ni Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS) Executive Director Joel Egco na ang kanilang sunod na hakbang ay makilala ang anim na iba pang kasamahan ng apat na suspek na una nang nilang nakilala.

Una nang kinilala ni Egco ang apat na suspek na sina Dante Tabosares Alias “Bong Encarnacion” na sinasabing mastermind sa pagpatay; Jun Jacolbe bilang kanang kamay; Junell Gerozaga bilang gunman at Helario Lapi Jr. bilang lookout.

Kahapon nang iprinesenta sa media sa Malacañang ang mga testigo na sina Lapi at Sandoncillo.

Naniniwala naman si Egco na malakas ang testimonya ng mga testigo at matibay ang ebidensya laban sa mga suspek.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *