6 na buwang suspensyon sa excise tax sa langis, isusulong

6 na buwang suspensyon sa excise tax sa langis, isusulong

IGINIIT ng isang mambabatas na dapat isulong ang ekstensyon sa excise tax sa langis kahit nakararanas na ng downward trend sa presyo ng oil products.

3 sunod na linggo nang may rollback o pagbabawas sa presyo ng oil products sa bansa.

Pero bago ito, dalawang buwan namang umaray ang mga motorista dahil sa sunod-sunod na oil price hike.

Kaya naman, isinulong sa kamara ang panukalang batas para suspendihin muna ang excise tax sa langis sa loob ng anim na buwan.

Sa ilalim ng House Bill 10488, walang ipapataw na buwis sa diesel, kerosene at LPG.

Ang low-octane gasoline naman ay bababa ng P4.35 ang presyo kada litro.

Hindi kasali sa suspension ang high octane gasoline.

Subalit kahit sunod-sunod na ang pagbaba ng presyo, nais pa ring ihirit ng kamara na maibaba ang excise tax.

“The way i look at it alam mo lalong-lalong na papasok ang taglamig sa ibang bansa gaya ng sa amerika at sa europa maaaring tumaas ang presyo eh,”ayon kay Rep. Bong Suntay.

Matatandaan na nagsimulang tumaas ang excise tax buhat noong 2018 nang maisabatas ang TRAIN Law.

Nilinaw naman ni Suntay na hindi nila gustong ipawalang bisa ang batas.

Pero nakikita nila sa kamara na kailangan na kailangang suspendihin pansamantala ang paniningil ng buwis.

“Yes, I feel that it will gain support in the senate. I believe that there is a similar measure filed. Siguro ang pag-uusapan na lang ang sinasabi ko ngang threshold. At what particular price ng crude oil per barrel ang magti-trigger ng suspension ng sinasabi kong pagpataw ng excise tax,”dagdag nito.

Nauna nang sinabi ng Department of Finance na nasa P131 billion ang mawawala sa kaban ng bayan kung itutuloy ang excise tax suspension.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *