bagon ng PNR
Metro

6 na bagong bagon ng PNR, darating sa bansa sa Disyembre

INIHAYAG ng Department of Transportation na paparating na sa Pilipinas ang anim na karagdagang bagon ng PNR o Philippine National Railways sa Disyembre.

Ayon sa DOTr, nasa Surabaya Port sa Indonesia ang mga bagon habang hinihintay ang carrier ship na magdadala dito sa bansa.

Gagamitin ang nasabing mga bagon para sa rutang Tutuban-FTI at Malabon-FTI ng PNR.

Sinabi ng DOTr na ang anim na bagong bagon ay bahagi ng kabuuang 37 bagon na bubuo sa siyam na train sets na nakatakdang makompleto  mula Disyembre 2019 hanggang Pebredo 2020.

Sa kasalukuyan ay bumibyahe ang PNR na may linyang Tutuban-Calamba, Tutuban-Gov. PASCUAL, Calamba-Los Baños at Naga-Sipocot.

Habang nagpapatuloy naman sa kasalukyan ang proyektong linya na Tutuban-Malolos, Malolos-Clark, Solis-Calamba, South Long Haul: Sucat-Sorsogon Batangas branch line at Carmona Branch Line, na aabot sa 807.6 kilometro.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *