sunog sa Yuseco Street
Metro

6 katao, patay sa sunog sa Yuseco Street, Tondo, Maynila

PATAY ang anim na katao habang anim ang sugatan sa sunog na naganap sa Yuseco Street sa Tondo, Maynila.

Kabilang sa mga nasawi ang 36-anyos na si Odessa Conde at ang tatlo nitong anak na edad 8, 9 at 10.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), na-trap sa loob ng kanilang bahay ang mag-iina at dalawa pang biktima.

Nasa 40 pamilya naman ang nawalan ng tahanan matapos masunog ang 20 bahay habang aabot sa 100,000 ang halaga ng pinsala.

Sa ngayon ay inaalam pa ng mga otoridad ang sanhi ng sunog na sumiklab dakong alas-3 ng madaling araw sa bahay ni Evangeline Lutero.

Mabilis na inakyat sa ikatlong alarma ang sunog bago ideklarang under control makalipas ang isang oras.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *