Maynila
Metro

6.8 milyong halaga ng hinihinalang shabu, nakumpiska sa Maynila

ARESTADO ang tatlong umano’y drug suspect matapos ang isinagawang buy-bust operation ng mga otoridad sa Osmeña Road sa Sta. Ana, Maynila kaninang madaling araw.

Kinilala ang mga naaresto na sina Mark Anthony Alcantara, Rudy Kidlat at Rona Valenzuela.

Maynila

Nakumpiska sa mga suspek ang 1,000 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P6.8 M at isang kotse na umano’y ginagamit ng mga ito sa pagdeliver ng iligal na droga.

Ayon sa pulisya, isinailalim sa isang buwan na surveillance ang mga suspek na umano’y sangkot sa isang Chinese drug group na nag-ooperate sa Metro Manila at Cavite.

Nahaharap ang tatlo sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

JIMMY MENDOZA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *