51 personnel ng QCPD na idineploy sa SONA, nagpositibo sa COVID-19

51 personnel ng QCPD na idineploy sa SONA, nagpositibo sa COVID-19

NAGPOSITIBO sa COVID-19 ang 51 sa 118 personnel ng Quezon City Police District (QCPD) Station 3 na idineploy noong State of the Nation Address (SONA).

Kinumpirma ito ni QCPD Director Antonio Yarra sa media briefing ngayong hapon.

Ayon kay Yarra, sa ngayon ay nililinaw pa nila kung ang SONA deployment ang source of transmission.

Binigyan-diin ng QCPD director na sumailalim sa swab test ang mga nasabing personnel noong Hulyo 23 o tatlong araw bago ang SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Hulyo 26.

Sa ngayon, sinabi ni Yarra na nakikipag-ugnayan pa rin sila sa City Health Office ukol sa mga resulta ng swab test at contact tracing.

Una nang kinumpirma ni City Mayor Joy Belmonte na pumalo na sa 82 personnel ng QCPD Police Station 3 ang nagpositibo sa COVID-19.

8 lugar sa QC, isinailalim sa special concern lockdown areas

Nagpatupad ang Quezon City government ng Special Concern Lockdown Areas (SCLA) sa ilang piling lugar sa lungsod.

Batay sa datos ng city government hanggang ngayong araw, Hulyo 28, nasa walong lugar ang naka-lockdown na sa lungsod dahil sa pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19.

Nilinaw naman ng QC government na partikular na lugar lamang ang sakop ng SCLA at hindi buong barangay.

Mamamahagi ang lokal na pamahalaan ng food packs at essential kits para sa mga apektadong pamilya at sila ay sasailalim sa swab testing at mandatory 14-day quarantine.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *