Ano nga ba ang coronavirus disease 2019 o COVID-19?

Ano nga ba ang coronavirus disease 2019 o COVID-19?

Ang coronavirus disease 2019 o Covid-19 ay sanhi o dulot ng isang bagong strain ng coronavirus na kung tawagin ay Severe Acute Respiratory Syndrome Coronavirus 2 o SARS-CoV-2.

Ang Coronavirus disease 2019 ay isang klase ng coronavirus na sanhi ng global outbreak. Ang sakit na ito ay nakakapagbigay ng respiratory illness at mga sintomas kabilang ang pneumonia at bronchitis. Maaari itong makuha mula sa viral particles at malalaman sa pamamagitan ng pag-ubo, pangangapos ng paghinga, at lagnat. Ang mga sintomas na ito ay lilitaw sa 14 araw pagkatapos ng exposure.

Unang natukoy ang sakit mula sa isang seafood market sa Wuhan City, Hubei Province sa China noong Disyembre 2019.

Isang wet market na matatagpuan sa Wuhan Province, China

Unang tinawag na 2019 novel coronavirus ang sakit bago ito opisyal na pinangalanan ng World Health Organization (WHO) bilang Coronavirus Disease o CoViD-19 noong ika-11 ng Pebrero, 2020.

coronavirus disease 2019

Naitala naman ang pinakaunang kaso ng human-to-human transmission ng coronavirus sa China noong Enero na kalaunan ay naitala din sa ibang bansa.

Ika-30 ng Enero, 2020 nang unang ideklara ng International Health Regulations Emergency Committee ng WHO ang outbreak bilang isang public health emergency of international concern.

 

coronavirus disease 2019
Ang chief ng World Health Organization na si Tedros Adhanom Ghebreyesus sa isang isanagawang news conference

Kaugnay nito ay agarang nagpatupad ng public health emergency si Pangulong Rodrigo Duterte matapos kumpirmahin ng Department of Health (DOH) ang pinakaunang kaso ng local transmission ng COVID-19 sa Pilipinas noong ika-7 ng Marso, 2020.

coronavirus disease 2019
Si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pagdeklara sa COVID-19 bilang state of public health emergency

As of September 24, 2020, 4:00PM,  ay nasa 32,110,901 ang naitalang kaso ng COVID-19 sa buong mundo at kumitil na ng halos isang milyon katao o 982,196.

Umabot naman sa 294,591 ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas na may 5,091 ang nasawi dahil dito.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *