50,000 turista, dumating sa Thailand mula Nobyembre 1

50,000 turista, dumating sa Thailand mula Nobyembre 1

DUMATING sa Thailand ang aabot sa 50,000 na mga turista mula noong Nobyembre 1.

Ayon sa numero na inilathala ng gobyerno, sa nakalipas na tatlong linggo ay limampung libong turista agad ang pumunta sa bansa.

Karamihan ng mga ito ay mula sa Estados Unidos na sinundan ng United Arab Emirates at Germany.

Inihayag ni Fiscal policy office Director Pornchai Thiraveja, posibleng sa susunod na taon ay tumaas na ang bilang na ito sa anim na milyong turista.

Matatandaan na noong Nobyembre 1 inilunsad ng Thailand ang test and go program sa mga byahero mula sa aprubadong listahan sa animnaput apat na bansa at teritoryo.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *