5,000 dosis ng CoronaVac, inaasahang darating sa Cagayan Valley

5,000 dosis ng CoronaVac, inaasahang darating sa Cagayan Valley

5,000 dosis ng CoronaVac, inaasahang darating sa Cagayan Valley.

Mahigit 5,000 dosis ng CoronaVac vaccine ang inaasahang darating sa rehiyon sa linggo.

Ayon sa Department of Health Region 2, nasa 5,312 na dosis ng bakuna ang inaasahang darating sa linggo na ilalaan sa mga Healthcare Workers ng rehiyon.

Kabilang sa mga prayoridad na babakunahan ay ang mga nagtatrabaho sa Cagayan Valley Medical Center, Southern Isabela Medical center, Region 2 Trauma and Medical Center, Tuguegarao City People General Hospital, Philippine National Police Hospital at Batanes General Hospital.

Sa ngayon ay isinasapinal na ng DOH-2 ang programa para sa ikakasang vaccination roll-out sa rehiyon.

Tiniyak naman ng ahensya na nakahanda na ang mga ospital para sa roll-out ng unang dose ng bakuna.

Oras na dumating ang bakuna sa rehiyon, iiimbak ito sa cold storage facility ng Department of Health (DOH) Regional Office at ipapadala lamang sa mga nabanggit na ospital sa pagsisimula ng vaccination proper.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *