Taguig
Metro

500 modern jeepneys, ipinamahagi sa Pasig at Taguig

Mula sa libong transport cooperatives sa bansa, tanging ang Pateros-Fort Bonifacio Transport Service at Taguig Transport ang dalawang kooperatiba na pumangalawa at pumangatlong sumubok sa ipinapatupad na modernong sistema ng transportasyon sa ilalim ng PUJ Modernization Program ng Administrasyong Duterte.

Pinondohan ang mga nasabing transport units sa pakikipagtulungan ng Development Bank of the Philippines.

Naniniwala ang pamunuan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na mula sa isang maliit na panimula ay makita sana ito ng iba pang mga lokal na pamahalaan sa bansa ang magandang proyekto na labis na makakatulong sa kapaligiran.

Nanguna sa pamamahagi ng mahigit sa limandaang (500) yunit ng PUJ’S ang Hino Motors Philippines na siyang provider.

Sinisikap ng pamunuan ng Cooperative Development Authority na ma-exempt sa 12% VAT ang bawat kooperatiba na sasailalim sa PUJ Modernization bilang suporta sa mas malawak na pagtangkilik ng mga lokal na kooperatiba sa bansa sa ipinapatupad na modernong transport system sa bansa.

Dadaan ang nasabing rekomendasyon sa pakikipag-ugnayan nito kay Transport Secretary Art Tugade.

Ang nasabing mga yunit ay iikot sa mga ruta mula Gate 3 sa Fort Bonifacio hanggang Guadalupe Market at Bagumbayan sa Taguig hanggang Pasig at pabalik.

Admar Vilando

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *