Agarwood wedges
National

5 Vietnamese nationals, arestado matapos mahulihan ng Agarwood wedges

ARESTADO sa dalawang magkahiwalay na operasyon sa Butuan City ang limang Vietnamese nationals matapos mahulihan ng endangered Agarwood wedges o mas kilala sa lokal bilang “Lapnisan.”

Kinila ni Brigadier General Gilberto DC Cruz, Director ng Regional Police Office (PRO) 13 ang mga suspek na sina: Nguyên Thi Chung, 40-taong gulang; Diêl Thi Bích Hòa, 45-taong gulang; at Vu Vãn Trang, 34-taong gulang na naaresto sa Grand Palace Hotel kahapon, Hulyo 25.

Nasamsam sa kanilang mga kagamitan ang dalawang kilo ng Agarwood at perang nagkakahalaga ng mahigit na P1.8-M.

Sa isang follow-up operation kaninang umaga, nahuli ng otoridad sina Tu Quoc Vu, 35-taong gulang; at To Tien Phat, 22-taong gulang sa Butuan City airport.

Nakumpiska mula sa kanilang pag-aari ang dalwampung kilo ng Agarwood at perang nagkakahalaga ng P4-M.

Ayon kay Regional Director Cruz, ang 22 kilo na nakumpiskang Agarwood o Lapnisan ay tinatayang nagkakahalaga na P15.4-M.

Sa ngayon, hinahanda na ng kapulisan ang kasong isasampa laban sa limang Vietnamese national.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *