5 mga suspek na bumaril sa dog walker ni Lady Gaga, naaresto na

5 mga suspek na bumaril sa dog walker ni Lady Gaga, naaresto na

MATAPOS ang ilang buwan, naaresto na ang mga suspek na bumaril sa dog walker ni Lady Gaga at nagnakaw sa kanyang dalawang French bulldogs na sina Gustav at Koji.

Sa anunsyo ng Los Angeles Police Department noong April 30, lima ang naaresto at kinasuhan kaugnay sa krimen.

Matatandaan na nagbigay ng offer ang singer sa halagang $500,000 na reward para sa sino mang makakabalik sa kanyang French bulldogs.

Naibalik naman nang maayos ang dalawang aso sa LAPD station ng isang babae na kasama rin sa inaresto.

Tatlong lalaki ang naaresto dahil sa diumano’y pagnanakaw ng mga aso ni Gaga at pagbaril sa kanyang dog walker.

Kinilala ang mga suspek na sina James Jackson, 18; Si Jaylin White, 19; at Lafayette Whaley, 27 na haharap sa kasong attempted murder, conspiracy to commit robbery at second-degree robbery.

Napag-alaman naman ng mga detective si Jennifer McBride 50, ang babae na nag respond sa reward email at mismong nagdala sa mga aso sa LAPD station ay may relasyon kay Harold White na ama ng isa sa mga suspek na nahaharap din sa kasong possession of a firearm.

Inihayag naman ng LAPD na walang kinalaman kay Lady Gaga bilang celebrity ang krimen dahil ang target ng mga suspek ay ang mismong mga aso dahil sa mataas na halaga ng breed ang mga ito.

Maaari namang magpiyansa ang mga ito ng isang milyong dolyar bawat isa para sa kanilang kalayaan.

Sa ngayon nasa mabuting kalagayan na ang nabaril noong February na dog walker ni Gaga na si Ryan Fischer.

Sa kanyang Instagram post, nagpahayag ito ng pasasalamat.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Valley of the Dogs (@valleyofthedogs)

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *