5 road projects sa Southern Leyte, nagpapatuloy

5 road projects sa Southern Leyte, nagpapatuloy

PATULOY na –na-upgrade ng Department of Public Works and Highways o DPWH ang mga kalsada na patungo sa 5 mga tourist spots sa lalawigan ng Southern Leyte.

Isinulong ng DPWH ang pagsasaayos sa mga kalsada patungo sa 5 tourist spots sa Southern Leyte, upang mas makaakit pa ito ng mga turista at mapadali ang transportasyon ng mga produkto ng mga lokal na residente sa naturang lalawigan.

Ayon kay Southern Leyte District Engineer Manolo Rojas, ang mga kalsadang ito ay hindi lamang makaakit ng maraming turista at madaliang transportasyon ng mga kalakal, inaasahan din na itong mga proyektong ito ay makapagbubukas ng mga oportunidad sa ekonomiya ng mga pamayanan na malapit sa mga site na ito.

Ayon kay Rojas ang proyekto sa fatima hills sa Macrohon town, na may badyet ng PhP2.61 milyon; crater lake sa bayan ng San Juan PhP24.5 milyon; Ollies Wall Dive site sa Liloan town PhP9.8 milyon; Guinsaugon Lake PhP9.8 milyon; at sanctuary ng ibon at bakawan sa St. Bernard town PhP9.8 milyon.

Samantala, sinabi ni Rojas na target na makumpleto ang mga proyektong ito sa loob ng 1 taon.

(BASAHIN: 5,000 pamilya sa Visayas at Mindanao, nakatanggap ng tulong mula sa ISDA)

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *