5 hinihinalang miyembro ng Abu-Sayyaf, sumuko sa Basilan

5 hinihinalang miyembro ng Abu-Sayyaf, sumuko sa Basilan

SUMUKO sa mga sundalo sa Lamitan City Basilan ang limang hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf ayon sa Western Mindanao Command.

Sinabi ni Wesmincom Commander Lieutenant General Corleto Vinluan Jr., ang mga ito ay mismong pumunta sa 68th Infantry Battalion (IB) headquarters sa Campo Uno.

Ayon kay 68th IB Acting Battalion Commander Lieutenant Colonel Napoleon Pabon, Jr.,  kiilala ang mga ito na sina Alias Nori, 32 anyos; Ansar, 44; Dam, 44; Miyo, 42 at Sharim, 30 anyos.

Kasama na isinuko ang kanilang mga armas, kabilang dito ang M1 Garand Rifles at isang KG-9 Semi-Automatic Pistol na may magazine at limang Cartridge 9mm Ammunition. Ang mgiyembro ng Abu Sayyaf at kanilang mga armas ay ipinresenta kay Joint Task Force Basilan Commander Brigadier General Domingo Gobway.

Kaugnay nito, iprenisenta ang naturang mga miyembro ng Abu Sayyaf at mga armas kay Joint Task Force Basilan Commander Brigadier General Domingo Gobway.

Sinabi ni Gobway na ang JTF Basilan kasama ang provincial at local government officials ang tutulong sa limang dating Abu Sayyaf members para sa kanilang pagbabalik sa lipunan.

 

 

SMNI NEWS

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *